Kakayanin ko ang Lahat

Related image

 

Isa sa mga hindi ko malilimutang karanasan ay ang pagdating ng isang mabigat na problema na kung saan muntik na akong sumuko sa buhay.Ang tanging ginawa ko ay umiyak ng umiyak ng walang nakakakita dahil iyakin talaga ako.Nahihiya kasi ako na makita nila akong umiiyak lalo na ang aking pamilya at maging sa aking mga kaibigan.Ngunit kapag hindi ko na kaya nagbabahagi ako ng problema sa aking mga kaibigan.Nahihiya kasi akong magkuwento sa aking pamilya dahil hindi kami masyadong malapit sa isa’t-isa.Kilala ako sa aming silid aralan na iyakin,matampuhin at maingay pero masayahin ako.Minsan kapag may problema ako sa paaralan namin masaya ako ngunit pagdating sa bahay ako’y nag-iisa na lamang na lungkot na lungkot.Ayoko ng nag-iisa dahil hindi ako sanay dito.

 

Related image

Ngunit sa bawat pagdating ng problema sa akin kahit na ako ay may problema nakukuha ko pa ring ngumiti sa harapan ng ibang tao.Sa bawat pagdating ng problema ako’y umiiyak,nag-iisip at nagdadasal.Kahit iniisip kong sumuko nalang nagagawa ko pa ring bumangon at magsimula muli dahil lahat ng bagay pwedeng mabago.Pamilya,diyos at kaibigan ang aking kalakasan dahil sila ang nagsisilbing lakas at tibay ng loob ko para huwag sumuko sa lahat ng problemang dumating man sa akin.Iyakin man ako nagiging matatag Pa pa din ako dahil ang diyos ay palaging andiyan sa paligid para ako’y gabayan.Pinagpatuloy ko pa ring solusyunan ang bawat pagdating ng problema sa aking buhay dahil kung hindi ako magiging palaban mananatili akong mahina sa paningin ng lahat, kaya’t kakayanin ko ang lahat.

 

Related image

 

Napagtanto ko na lahat ng problemang dumating sa aking buhay ay isang pagsubok upang ako’y maging matatag,malakas at patuloy na paglaban dito.Lahat ng bagay o problema kasi lahat may solusyon kaya’t tayo’y maging matapang lagi kahit mahirap ito.Ang problema ay isang pagsubok ng diyos para subukin tayo na kung gaano tayo katapang at katatag.Masaya ako sa lahat ng problema na nalampasan ko kahit palagi akong iyakin,kinaya ko pa din ito kahit kayhirap solusyunan ito.Naniniwala akong ang diyos ay palaging nakagabay sa bawat araw,minuto at oras sa takbo ng ating buhay.Natuto ako na hindi solusyon ang pag-iyak lamang kailangan may gawing hakbang para ito’y masolusyunan.Lahat ng problema nakaya ko at kakayanin ko lahat ng ito kasama ang diyos.Ang lahat ng problema na dumating sa aking buhay ay ginawa niya akong maging palaban,malakas at matatag.Huwag sumuko sa problema hayaang ang problema ang sumuko sayo.

 

Related image

“Ang Kaunlaran ay nasa Kabataan”

Related image

Magandang umaga po sa ating lahat lalong-lalo na po sa ating panauhing pandangal na si Bb.Loralyn Dela Cruz “Ma’am”, at sa ating katangi-tanging minamahal na Punongguro Gng.Sharon B. Bonifacio “Ma’am”, at sa ating masisipag na guro ng Bayaoas Integrated School, mga magulang at sa mga kapwa ko magsisipagtapos ngayong araw na ito isang magandang umaga po sa inyong lahat.

Image result for medals and certificates

Narito tayong lahat at nagtipon-tipon ngayong araw na ito upang ipagdiwang ang isang malaking pangyayari sa ating buhay bilang mag-aaral.Ito ang araw ng ating pinakahihintay, ang araw ng ating tagumpay at ang simula ng katuparan ng ating mga pangarap na makatapos sa pag-aaral. Mga hirap na ating naranasan sa labindalawang taon sa pag-aaral kasama ang ating mga kaibigan, kapwa mag-aaral at ang ating mga guro.Ngayong araw na ito ang pinakaaasam-asam nating lahat ang magawaran ng pagkilala ang ating pagtitiis,paghihirap at pagsusumikap.Ang tagumpay na ito ay hindi lang para sa ating mag-aaral kundi para rin sa ating mga magulang, dahil kung wala sila, wala tayo,wala ako ngayon dito sa inyong harapan.Tayo rin ay magpasalamat sa panginoon dahil ang pagsubok na kanyang ibinigay ay ating nalampasan.Madami mang naging hadlang sa ating mga pangarap tayo’y maging matapang at lumaban.Minsan na akong nadapa ngunit ako’y bumangon para ipakita sa kanila na kaya ko at kakayanin ko.Tandaan madapa ka man ng paulit-ulit, bumangon ka din ng paulit-ulit, dahil ang pagbangon muli ay nagpapakita nagpapakita.ng katapangan ng isang tao.

Image result for kabataang mula sa k to 12 tagapagdala ng kaunlaran sa bansang pilipinas

Ang temang “Kabataang mula sa K to 12 Tagapagdala ng Kaunlaran ng bansang Pilipinas”, para sa akin ito ay isang responsibilidad sa ating bansa.Ito ay isang paglalakbay muli sa isang pagsubok na kailangang patunayan at pangakong kailangang tuparin para hindi tayo tapak-tapakan lamang.Mapalad ako dahil natapos ko ang bagong kurikulum na ito sa pamamagitan ng aking mga guro sa pagtuklas ng kaalaman para sa aking pangarap na iaalay ko sa aking pamilya.Mapalad ako dahil ako ay inaasahan ng ating lipunan na magdadala ng kaunlaran sa ating bansa tungo sa magandang kinabukasan.Sa bagong yugto na darating sa ating buhay matuto tayong maging matapang,palaban,matatag,matiyaga,at may prinsipyo sa ibang tao.Hindi na tayo mga paslit na kailangan pang itayo ng ating mga magulang kapag tayo’y nadadapa.

At bilang pagtatapos sa talumpati kong ito, nais ko kayong hikayatin upang gamitin natin ang ating tinamasang karunungan sa ating pag-aaral.Gamitin natin ito sa kabutihan upang mapanatili natin ang tuwid na daan tungo sa tagumpay ng ating bayan.Nais kong ipaalala na nasa sa ating magsisipagtapos ang bagong pag-usbong ng pagbabago tungo sa kaunlaran para sa pag-asa ng ating bansa.Muli isang maligayang pagbati para sa ating pagtatapos.Yun lamang po at maraming salamat po sa inyong pakikinig.Magandang iumagang muli sa inyong lahat.

Related image